Nakuha ng USA ang pinakamaraming medalya na nahakot sa katatapos lamang na Paris Olympics.
Mayroon itong 40 na gold medal, 44 na silver at 42 bronze medal sa kabuuang 126.
Pumangalawa sa listahan ang China na mayroon 40 gold, 27 silver at 24 na bronze habang ang Japan ay nasa pangatlong puwesto na mayroong 20 gold, 12 silver at 13 bronze.
Pang-apat naman sa puwesto ang Australia na mayroong 18 gold, 19 silver at 16 bronze habang ang host country na France ay mayroong 16 gold, 26 silver at 22 bronze medals.
Nasa pang-anim na puwesto ang The Netherlands na mayroong 15 golds, pitong silver at 12 bronze habang ang Great Britain ay mayroong 14 gold, 22 silver at 29 bronze medals.
Pang-walong puwesto ang Republic of Korea na mayroong 13 gold, siyam na silver medal at 10 bronze habang ang Italy ay mayroong 12 gold medal,s 13 na silver at 15 na bronze habang ang Germany ay nasa pang-10 puwesto na mayroong 12 na gold, 13 silver at 15 bronze medals.
Ang Pilipinas ay nasa pang-37 na puwesto na mayroong 2 gold at dalawang bronze medal lamang kung saan tabla sila ng Hong Kong na parehas na dalawang gold at dalawang bronze medal.