-- Advertisements --
Megan Rapinoe
Megan Rapinoe/ IG PHOTO

Pinahiya nang Women’s Football team ang host country na France, 2-1 para makapasok na sa semifinals ng Women’s World Cup.

Naging bida sa panalo si Megan Rapinoe na siyang nakapagtala ng dalawang score para sa team USA at hindi inalintana ang pagiging host ng karibal na France.

Susunod na makakaharap ng US ang England sa semifinals.

Ito na ang pangatlong beses na makapasok ang US sa semifinals ng World Cup na ang pinakahuli ay noong 2015.