-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng men’s basketball sa Paris Olympics ang USA Basketball Team matapos na talunin nila ang South Sudan 103-86.

Mula sa simula hanggang sa dulo ay hindi pinalamang ng USA team ang South Sudan.

Nanguna sa panalo ng USA Team si Bam Adebayo na nagtala ng 18 points at pitong rebounds habang mayroong 14 points si Kevin Durant at 12 points naman si LeBron James.

Nanguna ang USA Team sa Group C na mayroong apat na puntos na sinunda ng Serbia na mayroong 3 points matapos na tambakan ang Puerto Rico 107-66.

Nasa pangatlong puwesto naman ang South Sudan na mayroong three points at panghuli sa Group C ang Puerto Rico na mayroong dalawang puntos.