-- Advertisements --
TEAM USA
Team USA

Tinambakan ng defending champion USA basketball ang Japan 98-45 sa Group E ng nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup.

Bagamat dalawang manalalaro ng Team USA na sina Jayson Tatum at Marcus Smart ang hindi nakasali dahil sa injury ay hindi hinayaan ng 10 natitira pa ang nasabing koponan.

Nanguna sa panalo si Jaylen Brown na nagtala ng 20 points at 7 rebounds habang mayroong 15 points at walong assists si Kemba Walker at 14 points, 8 rebounds naman si Harrison Barnes.

Dahil ito ay pasok na sa second round ang team USA habang maglalaro naman sa classification games ang Japan.