-- Advertisements --

Nalusutan ng USA women’s basketball team ang France 67-66 sa finals sa Paris Olympics.

Dahil sa panalo ay nakuha ng USA women’s basketball team ang pang-walong sunod na Olympic gold.

Sa unang bahagi ng laro ay dominado ng France kung saan lumalang pa sila ng 10 points.

Hinabol ng USA ang kalamangan at hanggang sa huling minuto ng laro ay hindi na lumayo pa ang kalamangan ng host country.

Inakala ng France na madala sa overtime ang laro ng ipasok ni Gabby Wiliams ang buzzer beater na three points shot para makuha ang 67-all.

Subalit ng ni-review ang video ay nakitang nakaapak ito sa arch kaya naging two-points lamang ang laro at nakuha ng USA ang panalo sa isang puntos.

Kabilang sa mga nanood ng laro si NBA superstar LeBron James kung saan suot pa nito ang gold medal.