-- Advertisements --
Women USA soccer
USA Football team

Malaki ngayon ang atensiyon ng nakukuha ng USA Womens football club matapos na sila lamang ang non-European representative na nakapasok sa quarterfinals ng Women’s World Cup.

Mula kasi sa 24 teams ay naging walo na lamang ang naiwan para sa quarterfinals sa ginanap na Lyon, France.

Makakaharap ng team USA ang France habang ang Norway ay makakasagupa ang England.

Makakaharap naman ng Italy ang Netherlands habang ang Germany ay makakaharap ang Sweden.