-- Advertisements --
Coleman Christian
Christian Coleman/ IG post

Iniatras na ang US Anti-Doping Agency ang kaso nito laban sa sprinter na si Christian Coleman.

Ang 23 anyos na tinaguriang fastest man sa buong mundo ngayong taon ay nauna ng kinasuhan ng tatlong drugs tests at nahaharap sa automatic one-year ban.

Paliwanag ng USADA na kaya nila hindi itinuloy ang kaso ay dahil nakatanggap sila ng mga guidance mula sa World Anti-Doping Agency (WADA).

Dahil dito ay makakasali na si Coleman sa World Athletics Championships na magsisimula sa Setyembre 28 sa Doha.