Pumirma ng kasunduan ang United States Agency for International Development (USAID) at Public-Private Partnership Center (PPPC) na may layuning bumuo ng collaborative framework para sa implementasyon ng mga mga PPP projects ng bansa.
Sa ilalim ng kasunduan, magsasama ang USAID at PPPC para sa development, evaluation, at approval ng mga proyekto.
Maging sa procurement ng mga kagamitan para sa proyekto at implementasyon nito ay dadaan din sa kolaborasyon ng dalawa.
Ayon kay USAID economic growth specialist and private sector engagement co-lead Jay de Quiros, magtutulungan ang dalawang panig upang matiyak na maabot ang ‘common goal’ kapwa ng pribado at public sector.
Mahalaga aniya ito upang malikom ang expertise ng dalawang sektor para sa mga itatayo at popondohang mga proyekto sa bansa.
Ang Public-Private Partnership ay ang pangunahing approch na ginagamit ng administrasyong Marcos sa mga malalaking proyekto ng bansa, katulad ng mga dam, trasnportation projects at iba pang pasilidad.