-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ni track and field great Usain Bolt dahil sa naging ama na ito sa unang pagkakataon.
Ito ay matapos na magsilang ng isang babaeng sanggol na ang kinakasama nitong si Kasi Bennett.
Agad naman itong binati ni Jamaican Prime Minister Andrew Holness.
Itinuturing na pinakamabilis na tao pa rin sa buong mundo ang 33-anyos na si Bolt kahit na nagretiro na sa athletics noong 2017.
Naitala kasi niya ang 9.58 seconds na world record sa 100m sa Berlin World Championships sa 2009 at 200m world record ng 19.19 seconds sa Berlin.
Ang 11-time world champion na si Bolt ay siya lamang ang tao na nanalo ng 100m Olympic titles at nanalo ng 23 major gold medals.