-- Advertisements --

Naglabas ng saloobin si sprint legend Usain Bolt sa isang football team ng Australia.

Sinabi nito na hindi siya nabigyang ng patas na tsansa ng ito ay nag-tryout sa Central Coast Mariners noong 2018.

Sinabi nito na nais niyang matupad ang pangarap niton noong bata na maging soccer player.

Sinubukan niya umano ang sumabak sa football matapos na ito ay magpasyang magretiro sa pagtakbo.

Naging usap-usapan pa aniya ito noong ng makapagtala ng dalawang goals sa pre-season friendly.

Nagkaroon lamang ng problema sa pagpirma nito ng kontrata ng kuwestiyunin ni dating Ireland striker Andy Keogh ang kaniyang abilidad.

Bukod aniya sa Australia ay sinubukan din nitong nag-tryout sa mga football clubs ng Germany, South Africa at Norway.

Sa ngayon ay abala na siya sa pag-alaga ng unang anak nilang babae ng kinakasamang si Kasi Bennett.

Magugunitang si Bolt ay 100m at 200m world record holder.