Ibinaba ng United States Department of Agriculture (USDA) ang naging projection nito para sa produksyon ng Pilipinas sa mais at palay para sa kabuuan ng 2023.
Pangunahing dahilan dito ay ang naging epekto ng mga nakalipas na bagyo, kasama na ang mga epekto ng El Nino, at ang mapaminsalang armyworm.
Sa inilabas na report ng USDA, mas mababa ang projection nito para sa production ng palay para sa market year 2023-2024(July 2023 -July 2024).
Umaabot lamang ang maaaring produksyon ng Pilipinas sa naturang period ng hanggang 12.55million metric tons. Mas mababa ito ng .4% mula sa dati nitong forecast na 12.6million MT.
Nakasaad din sa naging report ng USDA na ang maaaring angkatin ng Pilipinas na bigas para sa kabuuan ng market year 2023-2024 ay hanggang 3.5million metriko tonelada lamang.
Mas mababa ito ng 7.9% mula sa dating forecast na 3.8 million metriko tonelada.
Samantala, pinanatili naman ng USDA ang projection nito para sa magiging konsumo o demand ng Pilipinas ng hanggang sa 16.4million metriko tonelada.
Para sa mais, maaaring umabot lamang umano sa 8.2million MT ang magiging produksyon ng Pilipinas sa kabuuan ng market year 2023-2024. Ito ay mas mababa ng 2.4% mula sa dating projection na 8.4million MT.
Dahil sa mas mababang produksyon, maaari umanong umabot sa 1million metric tons ang aangkatin ng Pilipinas na mais.