Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Undersecretary Claire Dennis Mapa sa ikalawang termino bilang National Statistician at civil registrar general ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ngayong araw ng Sabado, Hunyo 1, pinangasiwaan ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan ang panunumpa sa pwesto ni USec. Mapa.
Una rito, bago maitalaga sa posisyon noong 2019, nagsilbi si Mapa ng 5 termino bilang dean at professor ng statistics sa School of Statistics sa University of the Philippines.
Hinawakan din nito ang mahahalagang posisyon sa iba’t ibang mga organisasyon at proyekto kabilang ang UP Statistical Center Research Foundation, Inc., Governing Board of the Philippine Statistical Research and Training Institute, Philippine Statistical Association, Inc., at Gas Policy Development Project.