-- Advertisements --

CEBU – Malaki ang paniniwala ni Undersecretary Joel Sy Egco, ang executive director of the Presidential Task Force on Media Security, na bukas ay mahahatulang ‘guilty’ ang mga respondents ng Maguindanao massacre case.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Usec. Egco, sinabi nitong mapapatunayan bukas kung talaga bang napapangalagaan ng gobyerno ang karapatang pantao bilang isang demokratikong bansa.

Aniya, kung matatapos ito sa lower court ay alam nitong pwede pa itong maapela sa Court of Appeals at Supreme Court, ngunit giit nitong kailangang bukas pa lang ay maipanalo na nila ang kaso sa lower court.

Kung magtatagumpay, diumanoy isa itong ‘record breaking’ ang dahil wala pa sa buong mundo na may daan-daang akusado na mahahatulang guilty sa isang kaso.

Habang, ipinaalam rin ni Egco na may gagawing ‘final security inspection’ ang PNP at DOJ bago ang promulgation sa isang dekada ng Maguindanao massacre case.

Maalala na una ng inihayag ni Undersecretary Egco na agad itong bababa sa pwesto kung maa-acquit sa kaso ang mga akusado.