-- Advertisements --
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Undersecretary Edu Punay.
Kinumpirma ito ni Press Secretary Cheloy Garafil ang pagtalaga kay Punay matapos na hindi maaprubahan ang appointiment ni Secretary Erwin Tulfo.
Mainit naman na tinanggap ng DSWD ang pagkakatalaga kay Punay.
Mahalaga ang pagkakatalaga kay Punay para maipagpatuloy ang trabaho ng ahensiya.
Magugunitang ipinagpaliban ang confirmation sa appointment ni Tulfo sa DSWD ng Commission on Appointments (CA) dahil sa pag-kuwestiyon sa kaniyang citizenship at ang kinakaharap nitong libel case.