-- Advertisements --

Magpupulong sa darating na Disyembre 10 ang US Food and Drugs Administration (USFDA) para pag-usapan ang emergency authorization ng drug company na Pfizer at BioNTech.

Ang nasabing hakbang ay magtutukoy kung nararapat bang magamit ang nasabing bakuna laban sa COVID-19.

Magugunitang isinumite na ng drug company ang mga data sa USFDA matapos na magtala sila ng 95% effectivity rate.

Bukod aniya sa US ay isinumite na rin ng nasabing kompanya ang data sa Europe.