-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kasabay ng pagbisita ng mga opisyal ng University of Southern Mindanao sa pangunguna ni USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia kasama ang ilang dekano at vice presidents nito kay Kabacan Cotabato Municipal Mayor Evangeline Pascua-Guzman, napuno ng mainit na pasasalamat ang pag-uusap ng dalawang lider.

Ayon kay Mayor Gelyn, hindi makakaila ang epekto ng USM sa kaunlarang natatamasa ng Kabacan. Dagdag pa nito, ang mainit na suporta ng USM sa lokal na pamahalaan ay hindi matatawaran at siniguro ng alkalde ang kanyang mainit na suporta at higit pangangalagaan ang USM bilang isa ito sa naging susi sa kaunlaran ng bayan.

Siniguro din ni USM Pres. Garcia ang suporta ng USM sa lidirato ni Mayor Gelyn na aniya, malaki ang tulong ng LGU sa usapin ng seguridad ng mga estudyante nito lalo’t sa unang pagkakataon ay mayroong international student ang USM.

Kaugnay nito, personal na ipinakilala ni USM Pres. Garcia si Aviral Singhal na mula sa bansang India at kumukuha ng kursong agrikultura.

Ayon kay Mayor Gelyn, magiging bukas ang tanggapan nito sa nasabing estudyante lalo’t magiging buhay na patotoo si Singhal sa kung anong meron ang Kabacan maliban sa usapin ng edukasyon.