Napanatili ni Kamaru Usman ang kaniyang welterweight title ng talunin niya si Jorge Masvida sa UFC 251.
Ito na ang ika-16th straight MMA victory ni Usman sa laban na ginanap sa fight island sa Abu Dhabi.
Mayroong record si Usman na 17 panalo at 1 talo habang ang 35-anyos naman na si Masvidal ay mayroong 35 panalo at 14 na talo.
Magugunitang nitong nakaraang linggo lamang ng tanggapin ni Masvidal ang laban kay Usman matapos magpositibo sa coronavirus ang orihinal na kalaban ni Usman na si Gilbert Burns.
Nakalusot naman si Alexander Volkanovski sa panalo laban kay Max Holloway para mapanatili ang featherweight title.
Nakuha naman Petr Yan ang bakanteng UFC bantamweight championship sa ikalimang round laban kay Jose Aldo.
Mayroong record si Volkanovski na 22 panalo at isang talo na siyang pang-19th consecutive MMA victory mula 2013 kung saan mayroon lamang 48-47 panalo ito kay Holloway.
Nakuha kasi ng Australian champion ang belt noong Disyembre sa virtuos technical performance laban kay Holloway.