-- Advertisements --
Napanatili ni UFC fighter Kamaru Usman ang kaniyang welterweight world champion title.
Ito ay matapos na talunin siya si Gilbert Burns sa pamamagitan ng technical knockout sa main event ng UFC 258.
Hindi na pinatagal ni Usman ang laban kung saan sa ikalawang round pa lamang ay tuluyan ng pinatumba si Burns.
Sa simula pa lamang kasi ay pinaulanan na ni Usman ng suntok at sipa si Burns.
Ito na ang pang 13 sunod na panalo ni Usman sa UFC na mayroong record na 18 panalo at isang talo habang si Burns ay mayroon ng 19 na panalo at apat na talo.