Pinatawan ng indifinite ban ng University of Athletics Association of the Philippines (UAAP) si University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.
May kaugnayan ito sa “Sorsogon bubble” controversy.
Ayon sa UAAP, na pinagbabawal na makasali sa lahat ng UAAP events at mga UAAP sanctioned-activities.
Ang nasabing ban aniya ay base sa ulat ng UST na ipinapakita ni Ayo ang paglagay sa panganib ng mga manlalaro sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ensayo ngayong panahon ng nasa public emergency ang bansa dahil sa coronavirus pandemic.
Nauna ng nagbitiw sa puwesto si Ayo at humingi na rin ito ng paumanhin maging si UST athletic director Fr. Jannel Abogado ay bumaba na rin sa puwesto nito matapos na lumabas ang pangalan nito sa waiver na pinirmahan ng mga manlalaro sa isinagawang training bubble.