-- Advertisements --

Pumirma ng panibagong tatlong taon na kontra para maging coach ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers si Aldn Ayo.

Nangangahulugan nito na magiging coach pa rin si Ayo hanggang 2023.

Sinabi ni Ayo, nais talaga niyang manatili sa UST at pormalidad na lamang ang pagpirma ng kontrata.

Tiniyak nito ang kahandaan ng kaniyang koponan sa susunod na taon.

Nagsimula maging coach si Ayo noong 2018 at mula noon ay gumanda ang record ng nasabing koponan.