Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic.
Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo.
Gayunman, wala raw munang gagawaran ng Athletes of the Year dahil marami ang hindi nakapaglaro sa 2019-20 season.
“That’s why it’s just fitting to award an overall champion. As to the Athlete of the Year, iba ang effect. May mga athlete na hindi nakapag-compete,” wika ni UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag sa ginanap na online forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA).
Samantala, ayon naman kay UAAP president Em Fernandez, makikipag-usap daw ang kanilang hanay sa isang malaking TV network para sa pag-eere ng closing ceremony ng collegiate league sa taong ito.
“It will be a two-hour show (but) it’s not live. In the sense of a closing ceremony, it will be a closing ceremony with a season recap, with the awards, and the turnover,” ani Fernandez.