Pinakawalan na rin ng Utah Jazz ang kanilang injured veteran forward na si Joe Ingles para sa three-team deal upang makuha ang third-year guard na si Nickeil Alexander-Walker.
Nakuha ng Jazz si Alexander-Walker mula sa Trail Blazers at kasama sa deal ang reserve forward na si Juancho Hernangomez na mula naman sa San Antonio Spurs.
Bilang kapalit ang Portland naman ay binitawan ang guard na si Tomas Satoransky, na isa sa apat na players na kanilang nakuha mula sa New Orleans Pelicans trade deal na kinasangkutan ng isa sa star player na si CJ McCollum para sa San Antonio Spurs kapalit naman ng second-year forward na si Elijah Hughes mula sa Utah.
Bilang dagdag na kondisyon, ang Utah ay ibibigay nila sa Blazers ang kanilang 2022 second-round pick sa pamamagitan ng Memphis Grizzlies at ang 2027 second-round pick ng San Antonio Spurs.
Kung maalala ang 34-anyos na Australian player na si Ingles ay ang all-time leader sa three points ng Jazz franchise mula nang dumating siya sa koponan noong 2014-15 season.
Noong nakaraang taon ay pumangalawa siya kay Fil-Am star Jordan Clarkson bilang Sixth Man of the Year.
Umaabot sa 75 mga NBA players ang posibleng maihabol sa mga deal bago magtapos ang trade deadline bukas na lalong magpapagulat sa mga basketball fans.
Nito lamang nakalipas na Miyerkules, nakuha ng Sacramento Kings ang 25-anyos na All-Star na si Domantas Sabonis, Jeremy Lamb at Justin Holiday mula sa Indiana Pacers kapalit ng second-year guard Tyrese Haliburton, Buddy Hield at si Tristan Thompson.
Noong Lunes naman, nakakuha ng deal ang Cleveland Cavaliers sa Pacers para mabingwit si Caris LeVert.
Habang noong Sabado, kumilos din ang LA Clippers para ma-trade si Eric Bledsoe, Justise Winslow, Keon Johnson at ang future second-round pick para sa Portland Trail Blazers kapalit nina Norman Powell at Robert Covington.
Ilang linggo na rin ang nakalipas nang maunang i-trade ng Atlanta Hawks si Cam Reddish sa New York Knicks para kay Kevin Knox at swap na rin sa former first-round draft selections.
Ang deal naman sa pagitan ng Denver Nuggets at Detroit Pistons na kinabibilangan ni Bol Bol ay nabaliwala matapos hindi pumasa sa Pistons ang isyu sa physical nito.
Sa kalaunan na trade rin sa huli si Bol sa Boston Celtics matapos na sumailalim sa surgery.