Bumawi sa pagkatalo kahapon ang Utah Jazz at sa pagkakataong ito ay kanilang tinalo ang si Milwaukee Bucks, 107-95.
Ito na ang ikatlong sunod na talo ng defending champion.
Nanguna si Donovan Mitchell sa kanyang 28 points upang samantalahin ng Jazz ang hindi paglalaro ni Khris Middleton dahil sa karamdaman, gayundin ang may injuries na sina Jrue Holiday, Brook Lopez at Donte DiVincenzo.
Ang reserve forward na si Rodney Hood ay inabot lamang ng 11 minutos dahil din sa injuries.
Samantala liban kay Mitchell, bumida rin sa kanilang ika-limang panalo sina Mike Conley na may 20 points, Jordan Clarkson na nagtala ng 15 at si Bojan Bogdanovic ay nagtapos sa 14.
Sa Bucks naman si Giannis Antetokounmpo ay nagpakita ng 25 points, seven rebounds at six assists para sa kanilang 3-4 record.
Kahapon lamang ay talo ang Bucks sa Spurs, habang ang Jazz naman ay nasilat ng Bulls para sa kanilang unang talo.