-- Advertisements --

Dumanas ang Utah Jazz ng isa sa pinaka-matinding pagkatalo ngayong araw matapos itong tambakan ng Sacramento Kings ng 44 points.

Tinapos ng Kings ang laban, 141 – 97.

Sa unang quarter ng laban, sumabay pa ang Jazz at tanging tatlong puntos lamang ang naging lamang ng Kings. Pinilit ng Jazz na humabol ikalawang quarter ngunit lalo lamang tumaas ang kalamangan ng Kings sa 16 points

Pagpasok ng 3rd quarter, dinagdagan pa ng Kings ang kalamangan matapos magbuhos ng 43 points at tanging 29 points ang naiganti ng Utah. Sa pagtatapos ng naturang kwarter, hawak na ng Kings ang 31 points na kalamangan.

Hindi pa nakuntento ang Sacramento at pinaabot pa sa 44 points ang kalamangan sa pagtatapos ng huling quarter. Sa loob lamang ng 28 mins ay gumawa ng 19 pts, 12 rebs double-double performance ang sentrong si Domantas Sabonis. 26 points naman ang naging ambag ng shooter na si Kevin Huerter mula sa bench.

Hindi nakasabay ang Jazz sa magandang opensa ng Kings gamit ang 57% overall shooting percentage. Sa 3-pt line, naipasok ng koponan ang 50% ng mga tira nito (22/44).

Hindi rin naisalba ng 20 free throws ang Utah, sa kabila ng limang libre na iginawad sa Kings. Nasayang rin ang 25 na ginawa ni Collin Sexton sa pagkatalo ng naturang koponan.

Ito na ang ika-18 pagtalo ng Jazz ngayong season habang nananatili pa rin sa 500 ang Kings, hawak ang kartadang 12 – 13.