Nakahinga ng maluwag ang mga players ng top team sa NBA na Utah jazz makaraang ligtas na lumapag ang eroplano na nag-emergency landing sa Salt Lake City International Airport.
Una rito sakay ang buong team ng charter plane na nag-take off at patungo sana ng Memphis, Tennesse dahil sa laro sana bukas.
Pero ilang sandali sa himpapawid bigla na lamang daw sinalubong ng kumpol ng mga ibon ang eroplano at saka sumalpok.
Pagkatapos nito ay may narinig na malakas na “bang” ang mga players.
Ang pangyayari ay nagdulot ng engine fire at engine failure.
Nagdesisyon naman ang mga piloto na bumalik na lamang ng airport.
Sa kanilang social media account kanya-kanya ng post sina Filipino American player star Jordan Clarkson, Donovan Mitchell at Rudy Gobert ng emoji na “praying hands” na nagpapahiwatig na pagdarasal at nagpapasalamat na ligtas silang lahat at wala ring nasaktan.