-- Advertisements --

Bumaba ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa P14.93 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Marso ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Ito ay bumaba ng P252.98 billion mula sa P15 trillion na naitala noong Pebrero.

Mas mababa din ang kabuuang utang ng PH noong marso ng 1.67% kumpara noong Pebrero dahil sa net redemption o pagbabayad ng domestic government securities.

Sa kabuuang utang, 68.86% ay panloob na utang habang 31.14% naman ang panlabas na utang.

Base sa data, bagamat lumalabas na bumaba ang panloob na utang lumobo naman ang panlabas na utang dahil sa karagdagang paghiram ng gobyerno mula sa foreign lenders at paghina ng halaga ng peso kontra sa dolyar.