Lumobo pa sa kabuuang ₱16.5 trillion ang utang ng gobyerno sa pagtatapos ng 2024 ayon sa Bureau of Treasury (BTr).
Ito ay mas mataas ng ₱1.44 trillion o katumbas ng 9.8% na naitalang utang noong pagtatapos ng 2023.
Patuloy ang paglobo ng utang ng gobyerno kasabay ng paghiram ng karagdagang ₱1.31 trillion sa pamamagitan ng net issuance ng debt instruments alinsunod sa deficit program ng gobyerno.
Ilan pa sa dahilan ay ang paghina ng halaga ng peso kontra dolyar na nakadagdag ng ₱208.73 billion sa halaga ng utang ng bansa, bagamat bahagya itong na-offset ng ₱80.74 billion dahil sa paglakas ng dolyar, mas bumaba ang halaga ng utang sa ibang currencies.
Tumaas naman ng P912.49 bilyon ang panloob na utang ng bansa noong nakaraang taon na umabot sa kabuuang P10.93 trilyon, habang nadagdagan ng P522.55 bilyon ang panlabas na utang kayat pumapalo na ito sa P5.12 trillion.
Samantala, ang debt-to-GDP ratio ng bansa ay umabot din sa 60.7 % na bahagyang mas mataas sa 60.6% na target para sa ekonomiya ng Pilipinas.