-- Advertisements --

Lumobo pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa P16.63 trillion sa pagtatapos ng buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Ito ay 1.96% o P319.36 billion na mas mataas kumpara noong Enero.

Ilan sa dahilan ay ang paghiram ng gobyerno ng pera para suportahan ang mas marami pang mga programa at proyekto.

Sa panloob na utang ng gobyerno noong Pebrero, umakyat ito sa P11.22 trillion, mas mataas ito ng P139.62 billion kumpara sa naitala noong Enero.

Sa panlabas na utang naman noong Pebrero, lumobo din ito sa P5.41 trillion, mas mataas ng P179.64 billion mula noong Enero.

Sa kabila naman ng pagtaas ng utang ng pamahalaan noong Pebrero, nanindigan ang economic managers ng Pilipinas na nananatili pa rin itong manageable simula noong pandemiya.

Tiniyak ni Finance Secretary Ralph Recto na walang gaanong dapat ikabahala hangga’t mabilis na lumalago ang ekonomiya ng bansa kesa sa utang nito.