Nananatiling manageable pa rin ang utang ng gobyerno ng Pilipinas ayon sa World Bank.
Iniulat ng World Bank na sa unang quarter ng kasalukuyang taon, ang debt-to -gross domestic product (GDP) ratio ng bansa lumobo sa 63.5%, pinakamataas na ito sa loob ng 17 taon at lagpas sa international recommended threshold na 60%.
Habang pumalo ang outstanding debt ng gobyerno noong katapusan ng Abril sa panibago na namang record-high na P12.763 trillion.
Sa kabila naman ng paglobo ng utang ng gobyerno, naniniwala si World Bank senior economist Kevin Chua na nananatiling manageable ang liabilities ng bansa.
Karamihan aniya sa mga utang ay long-term, domestic at peso-dominated at protektado mula sa aumang risks.
Sa outstanding debt ng gobyerno, nasa 70% ang apnloob na utang at 30% naman mula sa external sources.
Tinatayang madadagdagan pa ng P3.2 trillion ang utang ng outgoing administration bunsod ng COVID-19 pandemic na magreresulta ng paglobo pa ng utang ng bansa sa P13 trillion sa katapusan ng kasalukuyang taon mula sa orihinal na plano na nasa P9.9 trillion lamang.
Kasabay nito, inirekomenda ng World Bank ang fiscal consolidation plan para magkaroon ng displina sa paggastos ng utang ng gobyerno.
Liban sa fiscal consolidation, sinabi din ng Wrold Bank economist na ang mataas na utang ay maaaring matugunan sa pmamagitan ng mataas na economic growth.
Pero bago ito, dapat na pagtuunan ng papasok na administrasyon ang fiscal consolidation para maibalik ang debt ratio sa pre-pandemic levels.