Lumobo pa sa ₱14.15 trillion o 0.4% ang utang ng gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Hunyo ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Ito na ang itinuturing na pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.
Kung ikukumpara kasi sa naitalang ₱14.10 trillion noong pagtatapos ng buwan ng Mayo, umakyat ito ng ₱51.31 billion.
Ayon pa sa BTr, mayorya ng kabuuang utang o katumbas ng 68.6% ay panloob na utang na nagkakahalaga ng ₱9.7 trillion habang ang nalalabi naman o ₱4.45 trillion (31.4%) ay mula sa panlabas na utang ng bansa.
Bagamat lumiit ng bahagya ang panlabas na utang ng PH sa 1.4% o katumbas ng ₱63 billion dahil sa epekto ng currency adjustments na nakaapekto naman sa dolyar at third-currency equivalents.
Sa kabilang dako naman, tumaas ang panloob na utang ng bansa sa 1.2% o katumbas ng ₱114.3 billion kasunod ng paglalabas ng pamahalaan ng karagdagang government bonds para sa financing requirements ng gobyerno.