-- Advertisements --
BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

Tumaas ang utang ng gobyerno sa ika-apat na magkakasunod na buwan.

Tumaas ng halos apat na beses at umabot sa Php98 bilyon ang utang na karamihan ay nagmula sa domestic debt market.

Ang pinakahuling datos mula sa Bureau of the Treasury ay nagpakita na ang kabuuang utang para sa Nobyembre ay tumaas ng 266.6 porsyento hanggang Php 97.87 bilyon mula sa Php 26.7 bilyon lamang sa parehong buwan noong 2021.

Ito ang ika-apat na buwan na sunod-sunod na pinalaki ng gobyerno ang mga utang nito matapos bawasan ang financing nito sa loob ng pitong magkakasunod na buwan.

Ang ‘increase’ ay dahil din sa pagtaas ng mga rate ng interes sa buong mundo, na nagpilit sa central bank ng bansa na gawin din ito.

Ang total borrowings, na halos 80 porsyento na nagkakahalaga ng Php 75.91 bilyon, ay mula sa mga local lenders.

Ang mga domestic borrowing ay bumaba ng 28 porsiyento sa Php 1.61 trilyon, habang ang offshore financing ay bumaba rin ng pitong porsyento sa Php 493.61 bilyon.

Noong 2022, binalak ng gobyerno na humiram ng Php 2.21 trilyon, kung saan ang Php 1.65 trilyon ay magmumula sa domestic sources habang ang natitirang Php561.5 bilyon ay mula sa external sources.

Ito ay 14 porsiyentong mas mababa kaysa sa Php 2.58 trilyong kabuuang utang para sa buong 2021.