Tumaas ang utang ng gobyerno sa ika-apat na magkakasunod na buwan.
Tumaas ng halos apat na beses at umabot sa P98 bilyon ang utang na karamihan ay nagmula sa domestic debt market.
Ang pinakahuling datos mula sa Bureau of the Treasury ay nagpakita na ang kabuuang utang para sa Nobyembre ay tumaas ng 266.6 porsyento hanggang P97.87 bilyon mula sa P26.7 bilyon lamang sa parehong buwan noong 2021.
Ito ang ika-apat na buwan na sunod-sunod na pinalaki ng gobyerno ang mga utang nito matapos bawasan ang financing nito sa loob ng pitong magkakasunod na buwan.
Ang ‘increase’ ay dahil din sa pagtaas ng mga rate ng interes sa buong mundo, na nagpilit sa central bank ng bansa na gawin din ito.
Ang total borrowings, na halos 80 porsyento na nagkakahalaga ng P75.91 bilyon, ay mula sa mga local lenders.
Ang mga domestic borrowing ay bumaba ng 28 porsiyento sa P1.61 trilyon, habang ang offshore financing ay bumaba rin ng pitong porsiyento sa P493.61 bilyon.
Noong 2022, binalak ng gobyerno na humiram ng P2.21 trilyon, kung saan ang P1.65 trilyon ay magmumula sa domestic sources habang ang natitirang P561.5 bilyon ay mula sa external sources.
Ito ay 14 porsiyentong mas mababa kaysa sa P2.58 trilyong kabuuang utang para sa buong 2021.