Bumaba ang utang ng Marcos administration noong buwan ng Abril ng kasalukuyang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), ang kabuuang gross financing ng gobyerno noong nakalipas na buwan ay pumapalo sa P89.2 billion, bumaba ito ng 31% kumpara sa P129.9 billion noong Abril ng nakalipas na taon.
Pangunahing nakapag-ambag sa pagbaba nito ang pagbawas sa panlabas na utang ng gobyerno.
Ang utang mula sa international markets ay nakapagtala ng 79% na pagbaba o katumbas ng P6.84 billion mula sa P33.78 billion na naitala sa parehong buwan noong 2023.
Tinukoy naman ng BTr na ang panlabas na utang sa nasabing period ay nagmula sa development partners para pondohan ang project loans.
Samantala, pumapalo na ang kabuuang utang ng Marcos admin para sa unang 4 na buwan ng 2024 sa P1.163 trillion.