-- Advertisements --

Lumobo sa bagong record high ang utang ng gobyerno ng Pilipinas noong katapusan ng taong 2024 dahil sa paghina ng ekonomiya, ayon sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury.

Ang natitirang utang ng pambansang pamahalaan ay umabot sa P16.5 trillion, tumaas ng 9.8% o P1.44 trillion, mula sa P14.62 trillion noong katapusan ng taong 2023.

Sinabi ng Treasury na ang buwanang pagtaas sa stock ng utang ng gobyerno ay sumasailamin sa net issuance at availment ng domestic at external debt.

Gayundin ang revaluation effect ng peso depreciation laban sa US dollar.

Ang domestic debt ng bansa ay umabot sa P10.93 trillion, tumaas ng 9.1% mula sa P912.49 billion noong nakaraang taon nang mag-isyu ang gobyerno ng mga debt securities upang palakihin ang kaban nito.

Dahil dito, ang debt-to-GDP ratio ay umabot sa 60.7%, bahagyang higit sa itinakdang target na 60.6 ng gobyerno sa ilalim ng Medium-Term Fiscal Framework.

Samantala, ang external debt, ay nanatili ng 11.4% hanggang P5.12 trillion mula sa P522.55 billion increase sanhi ng debt availments at paghina ng piso kontra dolyar.

Gayunpaman, ang guaranteed obligations ng gobyerno ay bahagyang bumaba ng P346.66 billion.