-- Advertisements --
Lolobo pa umano ang pagkakautang ng Pilipinas sa Asian Development Bank (ADB) ngayong taon na inaasahang papalo na bilang record-high sa $4.207 billion.
Karamihan ng mga loans ng bansa ay mapupunta sa mga hakbang ng gobyerno laban sa coronavirus disease 2019.
Iniulat ni ADB Philippines country director Kelly Bird na ang kanilang 2020 lending program ay ang pinakamataas ngayon sa bansa kung saan nadoblo pa nito ang dating record na $2.5 billion noong taong 2019.
Tiniyak naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang ginagawang kabi-kabilang pangungutang ng bansa ay kung tutuusin ay maituturing na “conservative” lamang dahil ang kabuuan naman nito ay napupunta sa government effort kontra sa coronavirus pandemic.