-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lumobo pa sa P895 million ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pitong mga pribadong ospital sa Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Elmer Pedregosa, hospital administrator ng Iloilo Mission Hospital at presidente ng Private Hospital Association of the Philippines – Western Visayas Chapter, sinabi nito na personal na tumungo sa lungsod ang presidente ng PhilHealth at nangako na magbayad sa pamamagitan ng (Debit-Credit Payment Method) DCPM.

Sa pamamagitan nito, nais bayaran ng PhilHealth ang 80% ng good claims para ma-reconcile ang kanilang record at mabayaran ang natitirang 20%.

Ngunit ayon kay Pedregosa, hindi sila pumayag dahil hindi naman transparent ang good claims ng PhilHealth dahil karamihan dito ay denied at unreturned sa mga ospital.

Ito din ang dahilan ng private hospitals sa tuluyan na pagkalas sa partnership sa PhilHealth sa 2022.

Ang nasabing mga ospital ay ang Metro Iloilo Hospital & Medical Center Inc., Iloilo Doctors’ Hospital, Iloilo Mission Hospital, Medicus Medical Center, Qualimed Hospital Iloilo, St. Paul’s Hospital of Iloilo at The Medical City of Iloilo.