-- Advertisements --

ILOILO CITY – Domoble ang utang ng Pilipinas sa loob lamang ng anim na taon sa ilalim ng Duterte Adiminstration.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Sonny Africa, executive director ng IBON foundation, sinabi nito na umabot sa P13.4-trillion ang utang ng Duterte administration.

Nakakagulat anya dahil noong Malolos Congress, sa loob pa ng 120 taon bago umabot sa P6.1 trillion ang utang ng bansa.

Hindi anya dapat na isisi sa pandemya ang pagtaas ng utang ng Pilipinas dahil ang ginamit na COVID- 19 response ay budget na nire-align na para sana sa infrastructures project ng bansa.