Pumalo na sa kabuuang P14.51 trilyon ang natitirang utang ng pamahalaan sa katapusan ng Nobyembre 2023.
Ito ay kinumpirma mismo ng Bureau of the Treasury kahapon.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang stock ng utang ng Pilipinas ay tumaas ng 0.19 percent buwan-buwan.
Sinabi pa ng ahensya na ito ay dahil sa net issuance ng domestic securities.
Nakita rin ang pagtaas ng hanggang 6.34 percent taon-taon at 8.12 percent mula sa simula ng 2023.
Sa kabuuang stock ng utang, 30.91 porsyento ay mula sa mga panlabas na pinagkukunan habang 69.09 porsyento ay mula sa mga domestic borrowing.
Samantala, para naman sa domestic debt ng national government, sa katapusan ng buwan ng Nobyembre ay pumalo sa P10.02 trilyon na 1.23 percent na mas mataas kumpara sa nakaraang buwan dahil sa net issuance ng government securities.
Sinabi ng Bureau of Treasury na ang bagong utang sa loob ng bansa na inilabas noong buwan ay umabot sa kabuuang P171.09 bilyon habang ang principal redemption ay umabot sa P45.14 bilyon, na pinagbabatayan ng net issuance na P125.95 bilyon.
Taon-taon, ang domestic debt nagrehistro ng pagtaas ng 8.86 percent, habang ito ay nakakita ng taunang paglago ng 6.33 percent.
Samantala ang external debt naman ng bansa na P4.48 trilyon ay 2.06 porsiyentong mas mababa kaysa sa nakaraang buwan.
Ang utang panlabas ng pambansang pamahalaan ay tumaas ng 6.5 porsyento mula sa pagtatapos ng Disyembre 2022, habang tumaas ito ng 6.36 porsiyento kumpara sa antas nito noong nakaraang taon.