-- Advertisements --
image 129

Tumaas sa P13.7 trillion ang kabuuang natitirang utang ng pambansang pamahalaan sa pagtatapos ng Enero mula sa P13.4 trilyon noong nakaraang buwan, ayon sa Bureau of Treasury.

Ayon sa kawanihan, ang P279.6 billion o 2.1 percent na pagtaas ay dahil sa net availment ng domestic at external na utang ng bansa.

Mula sa kabuuang stock ng utang, 31.5 percent ay mula sa mga foreign lenders, habang 68.5 percent ay domestic borrowing.

Ang domestic debt ay umabot sa P9.38 trillion, mas mataas ng 1.9 percent kumpara noong Disyembre, habang nasa P4.31 trillion naman ang external debt na tumaas ng 2.4 percent.

Nauna nang sinabi ng gobyerno na ang debt-to-gross domestic product ratio ay bumuti sa 60.9 percent sa ikatlong quarter ng 2022.