-- Advertisements --

Inihayag ng Bureau of the Treasury na tumaas ang utang ng Pilipinas sa katapusan ng Oktubre 2023.

Ito ay dahil ang gobyerno ay humiram ng higit pa mula sa parehong domestic at international resources.

Ang datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr) ay nagpakita na ang hindi pa nababayarang utang ay nasa P14.48 trillion.

Ito ay tumaas ng 1.49% mula sa P14.27 trillion noong katapusan ng Setyembre 2023.

Sinabi ng Treasury na ang buwanang pagtaas sa stock ng utang ng gobyerno ay sumasalamin sa net issuance at availment ng domestic at external debt.

Gayundin ang revaluation effect ng peso depreciation laban sa US dollar.

Ang domestic debt ng bansa ay umabot sa P9.90 trilyon, tumaas ng 1.73% mula sa P9.73 trilyon noong katapusan ng Setyembre nang mag-isyu ang gobyerno ng mga debt securities upang palakihin ang kaban nito.

Dagdag dito, ang year-to-date na domestic debt ay tumaas ng P693.95 bilyon o 7.54%.

Samantala, ang foreign debt, ay lumaki ng 0.97% hanggang P4.58 trilyon mula sa P4.53 trilyon month-on-month mula sa datos ng naturang kawanihan.