Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group sa Dumaguete City si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Alipit Teves dahil sa mga kasong kinakaharap nito.
Si Pryde Henry Alipit Teves ay ang nakababatang kapatid ni suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. na kasalukuyang nakaditene sa Timor Leste.
Ang pagkakaaresto sa utol ni Teves ay kinumpirma naman ng Department of Justice.
Ayon sa DOJ, ang pagkaka aresto kay Pryde Henry Alipit Teves ay dahil na rin sa pagkaka talaga dito bilang most wanted person sa parehong provincial at regional levels.
Ang mga kaso laban kay Teves ay nag-ugat sa mga paglabag sa The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012, na inilabas ng Cebu City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 noong 13 Mayo 2024.
Sinabi naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ng pag-aresto kay Pryde Henry Alipit Teves ay nagpapakita ng matatag na pangako ng kanilang ahensya sa paglaban sa terorismo at pagtataguyod ng panuntunan ng batas.
Ito rin aniya ay higit na binibigyang-diin ng naunang pagtatalaga ni Teves bilang terorista ng Anti-Terrorism Council (ATC) noong 26 Hulyo 2023, sa pamamagitan ng Resolution Number 43, na binabanggit ang kanyang diumano’y pagkakasangkot sa mga pagpatay at pang haharass sa Negros Oriental .
Dagdag pa ng kalihim na ang masigasig na pagsisikap ng CIDG ay natiyak na ang mga nagbabanta sa kapayapaan at seguridad ay naaabot sa hustisya.
Pinuri ng DOJ ang CIDG sa matagumpay nilang paghuli kay Teves.
Aabot naman sa Php200,000.00 ang itinalagang halaga ng piyansa para lay Teves