-- Advertisements --

Marami ang nagulat sa lumabas na “audio recording” ni outgoing US President Donald Trump kung saan sinabihan nito si Republican Secretary of State Brad Raffensperger na maghanap ng 11,780 votes upang baligtarin ang resulta ng halalan sa Georgia.

Trump presscon white house

Si incoming US President Joe Biden ay nanalo sa Georgia kasama ang iba pang mga swing states kung saan nakakuha ito ng 306 electoral college habang 232 kay Trump.

Narinig naman sa voice recording ang sagot ni Mr. Raffensperger na nagsasabi na tama ang resulta sa halalan sa Georgia.

Kung maalala noong Nobyembre 3, naglabas ng pahayag si Trump na may nangyaring malawakang pandaraya raw sa eleksyon ngunit wala itong maibigay na anumang katibayan.

Nangyari umano ang audio call noong Enero 2, 2021 kung saan kausap ni Trump si Raffensperger kung saan kasama rin si chief of staff Mark Meadows at kaniyang mga abogado. (with report from Bombo Jane Buna)