-- Advertisements --
ROXAS CITY – Hinangaan ang naimbentong UVC disinfecting tents ng ilang mga researchers at volunteers sa lungsod ng Roxas.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa tinaguriang Manong Jose ng Mang Jose Robotics and Roxas ICT Team sinabi nito na ang disinfecting tents ay kayang mag-disinfect ng mga personal protective equipments, facemask at face shield sa loob lamang ng isang oras kung saan maaari na itong gamitin.
Natuwa naman si City Mayor Ronnie Dadivas ng makita ang naturang tents na aniya ay malaking tulong ito para sa mga frontliners.
Sa tulong ng Roxas City government, plano ng grupo na dagdagan pa ng pitong tents at ipamimigay ito sa mga ospital sa probinsiya.