Naghigpit ang New York City sa mga nais na makapasok sa iba’t ibang establisyemento.
Bago kasi makapasok sa mga restaurant, gyms at ilang mga indoor business ay kailangan na magpakita ang isang indibidwal ng kaniyang katibayan na ito ay naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.
Dahil sa nasabing kautusan ay naging kauna-unahang lungsod ang New York sa US na nagre-require ng mga vaccination proof.
Sinabi ni New York Mayor Bill de Blasio na ito ang paraan nila para labanan ang pagdami ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.
Isa rin aniya itong paraan para mahikayat ang maraming tao na magpabakuna laban sa COVID-19.
Nasa 60 percent kasi ng mga mamamayan sa New York ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Magsisimulang ipatupad ang polisiya sa Setyembre 13.