-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Kailangan munang magpahinga ang mga health workers sa lungsod ng Kidapawan kaya nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng vaccination holiday.

Binigyan muna ng rest period ang mga mga bakunador o vaccinators sa syudad.

Kailangang magpahinga ang mga healthcare frontliners para mas lalo silang lumakas at hindi manghina sa kanilang trabaho.

Ilang hakbang na lamang at maabot na ang 70-percent na herd immunity ang Kidapawan City at nagunguna sa buong probinsya na may pinakamaraming nabakunahan.

Tiniyak naman ni Evangelista na hindi masisira ang gagamiting bakuna dahil nakalagay sa storage facility.

Sinusuyod na rin ng LGU ang mga malalayong Barangay para hikayatin ang ilang mga residente na hindi pa nagpabakuna.