-- Advertisements --

Nararamdaman na ang epekto ng vaccination program laban sa COVID-19 sa bansa.

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon, na noong nakaraang Marso ng magkaroon ng surge ay wala pang one percent sa populasyon ng National Capital Region ang nabakunahan na.

Inihalimbawa pa nito ang lungsod ng San Juan kung saan mahigit 90,000 na ang fully vaccinated sa kabuuang 126,000 na populasyon nito.

Sa 223 na kasong naitala aniya sa lugar ay 86 percent dito ay mga vaccinated na yung natitirang 14% ay naka-first dose na ng bakuna na mayroon lamang mild o moderate na sintomas.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa halos 25 percent na ang nabakunahan na sa NCR kung saan target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng buwan.

Pumapalo na sa 10.7 milyong mamamayan na ang fully vaccine na sa bansa habang 12.4 milyon Filipinos ang nakatanggap ng one dose lamang.