-- Advertisements --

ASCOTF4
Photo courtesy PNP TDCA/ASCOTF Comdr.Lt Gen Joselito Vera Cruz

Kumpiyansa ang pamunuan ng PNP Administrative Support to Covid-19 Task Force (ASCOTF) na posibleng matatapos na ang pagbabakuna sa kanilang personnel sa buwan ng Oktubre ngayong nasa 97% na sa kanilang personnel ang nabakunahan.

Nakadepende din ang PNP sa vaccine allocation na ibibigay sa kanila ng Department of Health (DOH) at National Vaccination Operations Center (NVOC).

Sa ngayon, ongoing ang vaccination sa iba’t-bang regional police offices sa buong bansa.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF commander PLt.Gen. Joselito Vera Cruz, sinabi nito na maganda ang development sa kanilang vaccination program dahil patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pulis na nabakunahan, kaya hindi malayong matatapos nila ang pagbabakuna sa susunod na buwan.

” Yes Anne. With everyday news on the obvious advantage of being vaccinated, we are optimistic na we can convince those unvaccinated to take the jab and hopefully wrap up the PNP vaccination by October,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Kumpiyansa din si Lt. Gen. Vera Cruz na makukumbinsi nila ang nasa 7,405 o 3.32% na mga pulis na ayaw pabakuna.

Aniya, patuloy ang ginagawang panghihikayat sa mga pulis na magpa bakuna ng Covid-19 vaccine.

Una ng inihayag ng PNP na hindi sapilitan ang pagbabakuna, subalit mahalaga ito bilang proteksiyon sa katawan laban sa nakamamatay na virus.

ASCOTF5

Sa ngayon, umaabot na sa 97% personnel sa buong police force ang nabakunahan na ng Covid-19 vaccine as of September 29,2021.

Sa nasabing datos, 171,259 personnel na ang naka kumpleto ng kanilang bakuna o fully vaccinated, habang 44,369 naman ang naturukan ng first dose.

Ayon kay Vera Cruz, sa mga personnel na naka kumpleto na ng bakuna, 72,909 dito ang naturukan ng Sinovac; 43,238-AstraZeneca; 9,587 – Sputnik V; 7,270-Pfizer; 3,253 – Moderna; 34,892 – Janssen at 110 – Sinopharm.

Ang mga naturukan naman ng first dose; 13,829 dito ay Sinovac; AstraZeneca- 22,186; Sputnik V- 4,355; Pfizer -1,792; Moderna – 2,123; Sinopharm-304.