-- Advertisements --
Ipagpapatuloy na ng Taguig City Government ang kanilang vaccination program sa mga residente ngayong araw.
Kasunod ito sa pagsuspendi ng kanilang vaccination program nitong Lunes dahil matapos na wala pa silang natanggap na certificate of analysis (COA) mula sa Department of Health.
Sa inilabas na advisory ng Taguig LGU na ang mga hindi natuloy na pagpapabakuna noong Hunyo 28 ay itutuloy ang pagpapabakuna sa Hulyo 1 maliban sa mga naka-schedule sa Medical Center Taguig a sa Hulyo 2.
Habang ang mga nakaschedule sa Hunyo 29 sana ay naiurong sa Hulyo 2.
Patuloy din ang paanya nila na dapat magparehistro muna bago magtungo sa mga vaccination centers.