Malaking factor sa pagbaba ng Covid-19 cases sa hanay ng Pambansang Pulisya ang patuloy na pagbabakuna sa kanilang mga personnel.
Ito ang inihayag ni PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PLt.Gen. Vera Cruz kaniyang sinabi, mahigit 80% na sa kanila ngayon ang fully vaccinated at nasa 2% na lamang ang unvaccinated.
” Yan naman ang trend sa general population Anne especially dito sa Metro Manila. In fact, the OCTA research group has reported a down trend in the reproduction number the past days that is why the MMDA chair is also recommending the downgrading of the current alert level. Sa PNP, siguro malaking factor na din na more than 80% na sa amin ang fully vaccinated at 2% nalang ang unvaccinated,” mensahe ni PLt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.
Nitong nakalipas na limang araw, hindi umaabot sa 100 ang naitatalang mga bagong Covid-19 cases sa PNP kada araw.
Batay sa naging ulat ng OCTA research, nagkaroon ng downtrend sa reproduction number ng Covid-19 infections sa Metro Manila dahilan na bumababa din ang mga naitatalang cases.
Iniulat naman ni Vera Cruz, as of October 14,2021 sumampa na sa 98.12% personnel ang nabakunahan mula sa kabuuang 22,696 police force nationwide.
Nasa 189,292 o higit 80% na ang fully vaccinated; 29,211 naman ang naturukan ng first dose habang nasa 4,193 na lamang ang hindi pa nabakunahan.
Sinabi ng Heneral na hindi sila magsasawang hikayatin ang kanilang personnel na ayaw pa rin magpa bakuna hanggang sa ngayon.
Giit nito, mahalaga na may bakuna sa Covid-19 dahil magsisilbi itong proteksiyon laban sa nakamamatay na virus.
Ang mga personnel na fully vaccinated na naturukan ng ibat ibang vaccine brand ay ang mga sumusunod: Sinovac-76,917; Astrazeneca – 51,996; Sputnik-V -12,369; Pfizer-7,948; Moderna-4,066; Janssen – 35,856; Sinopharm-140.
Ang mga naturukan naman ng first dose: Sinovac-10,469; Astrazeneca -14,005; Sputnik-V -1,564; Pfizer-1,679; Moderna-1,417 at Sinopharm – 77.
Samantala, nilinaw naman ni Vera Cruz, na hindi kasama sa kanilang bilang ang mga media personnel na nagpositibo sa Covid-19 kahit pa ang mga tauhan sa PNP Health Service ang nag facilitate sa testing.
” Hindi kasama Anne. PNP personnel lang binibilang namin. Pero sa Isolation facility kasama sila sa rate of occupancy if sa amin sila nag admit,” dagdag na mensahe ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.