CENTRAL MINDANAO-Pinangunahan ni Kabacana Cotabato Incident Commander on Covid-19 at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang isang pagpupulong sa mga miyembro ng Kabacan Vaccination Task Force upang mailahad ang plano ng bayan sa pagbabakuna kontra covid-19.
Ayon kay Edu, mapalad ang bayan lalo pa’t nakagawa ito ng requirements ng National Office upang mapagkalooban ang bayan ng libreng bakuna.
Batay sa isasagawang task force, pangungunahan ito ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. bilang chief implementer ng nasabing programa.
Magkakaroon naman ng apat (4) na step para sa isasagawang vaccination.
Una: Waiting Stage-Dito isasagawa ang unang hakbang kung saan mabisang paghuhugas ng kamay;
Ikalawa: Registration Stage-Limang (5) team ang mag-aasikaso sabay-sabay sa limang magpapabakuna. Kukunan ng Vital Signs, temperature, BP, at aalamin ang medical history;
Ikatlo: Counseling at Final Consent Stage- Sa stage na ito, ipapaliwanag ang puwedeng maranasan ng taong nabakunahan, at papipirmahan ito ng consent na pumapayag itong magpabakuna.
Ikaapat: Vaccination Stage- Sisimulang bakunahan ang pumayag sa isang enclosed well vaccinated area.
Siniguro naman ni Edu na laging may nakahandang ambulansya kung magkaroon man ng ano mang aberya.
Apela ni Mayor Guzman sa publiko na suportahan ang vaccination program lalo pa’t isa ito sa paraan upang tuluyan natin.